Get More Followers




“My daddy said, that the first time you fall in love, it changes you forever and no matter how hard you try, that feeling just never goes away.”
― The Notebook

Home Theme ask Submit some bits of me

Beau Taplin || One fraction of a moment.  (via afadthatlastsforever)

(via langleav)

It is a frightening thought, that in one fraction of a moment you can fall in the kind of love that takes a lifetime to get over.
12 Strangest Races in the World →

icanrelateto:

image

Electric Run (Various Locations)

The Electric Run has become extremely popular, and it’s not hard to see why. It’s less of a race than it is a giant moving dance party. Runners get adorned with all sorts of glowing accessories and the course is lined with spectacular neon light displays….

Kimberly Johnson (via icanrelateto)

Never ruin an apology with an excuse.

It will hurt every day

It will hurt every day.

Walang tatalo sa loyalty ng sakit. If you have not experienced loyalty from anyone or anything, now you will. Hindi ka iiwan ng sakit.

Panahon lang ang lilipas pero hindi ang sakit; walang makapagpababago ng nararamdaman mo. You will not unhurt and no matter how hard you try to forget, you will always remember that breaking point. In fact, the harder you fight to forget, the stronger the pain fights back.

Maaalala mo ang sakit sa bawat ngiting makikita mo sa office; hindi dahil hindi ka masaya para sakanila, kung hindi dahil maiisip mo na buti pa ang kaligayahan, nababahagi ngunit ang kalungkutan, hindi. Papasanin mong magisa. Iiyakan mong magisa.

Maaalala mo ang sakit sa bawat pagkakataong nasa classroom ka samantalang ang mga kabatch mong varsi ay nasa storycon. Hindi ka maiinggit ngunit hihilingin mong sana ikaw din nandoon.

Maaalala mo ang sakit tuwing magkakaroon ng problema sa Varsi at huli mong malalaman ang mga detalye dahil bawal itong ipagsabi sa mga writers.

Maaalala mo ang sakit tuwing tatawagin kang “ate” ng mga incomings; ate ka nila pero hindi ka nila lalapitan para magtanong o magpatulong dahil tulad nila, writer ka rin.

Darating ang puntong mawawalan ka ng tiwala sa sarili mo at iisiping “If that was not meant for me, what is? Pain?”

Darating ang puntong mawawalan ka ng lalapitan dahil pagkatapos ng ilang buwan, inaasahan ng mga taong natanggap mo na; pero hindi pa rin at wala kang mapagkukwentuuhan ng nararamdaman mo dahil mahihiya kang hindi ka pa rin nakamove on.

The world will make you feel that your pain is inappropriate. They will say na posisyon lang ‘yan. Bullshit that.

Kaya mong piliing maging masaya dahil totoong happiness is a choice pero kalian man, hindi mo mapipiling hindi maramdaman ang sakit.

It will hurt every day. At paulit-ulit mong tatanungin kung ano ba ang para sa’yo, kung saan ka ba nararapat.

Magkakaroon ka ng self-worth issues kahit gaano pa karami ang nagmamahal sa’yo.

Pero sa kabila ng lahat, makikilala mo ang ‘different sides’ ng pagkatao mo.

Never seek or expect comfort even from the closest people in your life because you will just be disappointed but also, never think that they don’t love you. Sadyang walang makaiintindi sa pinagdadaanan/pagdadaanan mo, mayroon lang mga susubukang intindihin ka, appreciate them.

Magkakaroon ng jokes tungkol sa nangyari sa’yo at tatawanan mo ang mga iyon pero kapag magisa ka nalang, hindi mo mapipigilang maluha because you’ll realize people can reduce your pain to a joke.

Matatakot ka ng maginvest.

Mawawalan ka ng tiwala sa bawat salitang isusulat mo kasi pakiramdam mo hindi ka magaling, hindi ka sapat.

Mawawalan ka ng gana sa craft na minahal mo. At maiisip mong “Bakit ko pa kailangang galingan kung hindi naman pala ako magaling?”

Noon, may nagsabi sa’kin na hindi ibig sabihing hindi ka napromote ay hindi ka magaling. Pero nang tanungin ko kung ano palang ibig sabihin nun, wala akong nakuhang sagot. At wala kang makukuhang sagot sa mundo kung bakit nga ba nangyari ang mga nangyari.

Ang mga taong magiging dahilan ng pananatili mo ay sila ring mga taong magpapaalala sa’yo ng sakit. Ironic ito. Ironic ang buhay.

We all just want to be appreciated. Madrama, yes, pero totoo. Besides, saan ka nga ba kukuha ng lakas upang magmahal kung hindi ka mamahalin ng minamahal mo?

Marami kang maririnig na wise words, pakinggan mo lang. They hold true but in the end, sabihin man nilang posisyon lang ‘yan ay alam mo sa sarili mong it’s not just about the position but rather, a bigger personal issue, the event as a whole. Tip of the iceberg lang ang promotion na hindi mo nakuha. Maiisip mong hindi mo naman actually gusto ng promotion, ang gusto mo ay affirmation na may pinatunguhan ang pagod at sakripisyo mo.

May mga araw na bigla ka nalang maluluha at iisipin mo, “Bakit ba ang sakit?”

May mga araw na ikaw na mismo ang maaawa sa sarili mo; that moment when you become a mere spectator of yourself being in pain, doble ang sakit. Hindi mo macontrol. Hindi mo macontrol. At kahit pa gaano ka na kapagod umiyak, maiiyak ka pa rin kasi wala ka naman ibang magawa.

You will want to escape.

You will try to seek explanation just so to ease the pain, to find a sense from all your suffering, but you will fail. Dahil tulad ng sakit, ang buhay ay ‘it just is’.

Despite this, I tell you, the pain will make you grow.

Hindi mo man mauunawaan ang nangyari/nangyayari sa’yo, magkakaroon ka naman ng bagong pangunawa sa buhay, sa pagsusulat, at sa sarili mo; a kind of growth that the promoted people will not experience. That’s our ace from them.

Think about a regular glass filled with water. Ikaw ang baso, ang sakit na nararamdaman mo ay ang tubig. Hindi mababawasan ang tubig kahit ilang buwan pa ang lumipas. Hindi mababawasan ang tubig pero ang baso maaaring maging jar, drum, o swimming pool. Don’t let the pain drown you, allow the pain to make you grow; become something big hanggang sa ‘yung sakit, hindi man nabawasan, hindi mo na gaanong maramdaman kasi you start to fill your tank with other things.

Travel; because the physical distance will give you a psychological feel na malayo ka sa sakit. Travel to see the beautiful and the bad. Travel to see options. Let the pain set you free. Let the pain kill you where death is a chance anew.

And never lose hope na someday, darating din ‘yung para sa’tin.

Hindi natin mapipiling hindi maramdman ang sakit pero mapipili natin kung paano haharapin ang sakit.

“You may not control all the events that happen to you, but you can decide not to be reduced by them.” 
Maya Angelou

TotallyLayouts has Tumblr Themes, Twitter Backgrounds, Facebook Covers, Tumblr Music Player, Twitter Headers and Tumblr Follower Counter